Loading...
Jumbled Words

Hangganan

Lahat ng kwento ay may katapusan
Lahat ng istorya nagwawakas
Lahat ng bagay may hangganan.

Hanggang kailan ako magpapanggap
Na kaya kong gawin ang lahat
At ipakitang ako’y matatag?

Sana ako’y mapagod na
Sana hindi ko na kayaning pa
Na lakbayin ang mundo ito ng mag-isa.

Sabi ko dati ay masaya na ako
Na kaya kong pasayahin ang sarili ko
Ngunit alam kong kulang ito at ako’y hindi kumpleto.

Kailan kaya ako magiging masaya?
Kailan kaya kita makikita?
Kailan kaya tayo paglalaruan ng tadhana?

Nawa’y ika’y makilala na.
Gusto ko nang tapusin itong aking istorya.
Gusto ko nang maging masaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: